Teacher Sel · Transcript · · Updated
GMRC 6 Term 2 Week 2 - 3 -Kahulugan at mga Paraan ng Pagkalinga sa mga Taong Napapabayaan ng Lipunan – Transcript
Video by Teacher Sel · Watch the original on YouTube
Summary
AI-generated from the transcript. Verify details against the source video.
- Ang salitang mapagkalinga ay nangangahulugang pag-aalaga o may kalakip na pag-intindi, na naglalarawan ng masidhing pagnanais na magpakita ng pagmamalasakit.
- Ang pamilya ang pinakamaliit na unit ng lipunan na binubuo ng mga magulang at kanilang mga anak, at ito ang unang institusyon na nagbibigay ng pag-asa, pag-ibig at suporta.
- Ang ilang mga kilos na nagpapakita ng pagkalinga sa mga taong napapabayaan ng lipunan ay kinabibilangan ng pamamahagi ng pagkain at pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay.

Use this video with Pro
Reading, copying and transcript downloads are free. Create saved AI results for this video with a signed-in Pro account ($9/month).
Transcript
Search ignores accents. All transcript text stays visible.
Magandang araw. Sama-sama tayong natut Learning Resource Channel. [musika] GMRC6 [musika] term to 3. Kahulugan at mga paraan ng pagkalinga sa mga taong napapabayaan ng lipunan. pagsusulong sa mga issyue ng aking kapwa na napapabayaan ng lipunan
tungkulin ko. Mga kilos na nagpapakita ng pagkalinga sa mga taong napabayaan ng lipunan. [musika] Para sa layunin, na isasabuhay ang pagiging mapagmalasakit [musika] sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong ayon sa kanyang kakayahan sa iba't ibang pagkakataon.
Basahin ang tanong at pagkatapos ay [musika] punan ang una at pangalawang kahon ng iyong sagot. Gawin ito sa loob ng limang minuto. KWL chart. Ano ang nag-uudyok sa tao na gumawa ng mga sariling paraan ng pagkalinga sa mga taong napapabayaan ng lipunan? Ang alam ko ay ang gusto kong malaman ay ang aking natutuhan ay
ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. pagkalinga, lipunan napabayaan ng liburan pakikilahok pag-organisa
kaugnay na pagsabi bilang isa. Pagkalinga sa mga taong napapabayaan ng lipunan. Ang pagkalinga sa kapwa ay isang mahalagang katangian na dapat taglayin ng bawat isa.
Ang salitang mapagkalinga ay nangangahulugang pag-aalaga o may kalakip na pag-intindi. Kadalasan itong ginagamit upang maglarawan ng isang masidhing pagnanais na magpakita ng pagmamalasakit.
>> [musika] >> Ang pagkalinga ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta, proteksyon at pag-aaruga sa taong nangangailangan upang mapabuti ang kalagayan nito.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pagkalinga, pagbibigay ng tirahan at pagkain sa mga walang tahanan, pag-aalok ng libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap.
Pagsasagawa ng mga programang pang-edukasyon para sa mga out of school youth. Pagtulong sa mga biktima ng pang-aabuso o karahasan. Sa lipunan may iba't ibang pangkat ng tao na nangangailangan ng espesyal na pagkalinga. Kabilang dito ang mga bata lalo na ang mga ulila o mga
nasa bahay ampunan. Mga matatanda partikular na ang mga nasa home for the aged o may mga karamdaman. Mga taong may kapansanan, physical man o mental.
Mga buntis na kababaihan lalo na ang mga nasa high risk pregnancy. Mga taong may malubhang sakit tulad ng cancer o chronic illnesses. Mga biktima ng pang-aabuso o karahasan kasama na ang domestic violence.
Mga walang tirahan o mga palaboy [musika] sa lansangan. Mga refugee at internally displaced persons dahil sa digmaan o likas na sakuna. [musika] Lahat sila ay nangangailangan ng iba't ibang uri ng suporta mula sa emosyonal hanggang sa medikal na pagkalinga.
Nasubukan mo na bang makapagbigay ng pagkalinga sa iyong kapwa? Isipin ang isang karanasan kung saan ay nasubukan mong makapagbigay ng pagkalinga sa isang kapwa na nangangailangan.
Punan ang sumusunod na chart ng mga datos sa karanasang ito. Pumili ng kapareha at ibahagi sa isa't isa ang inyong karanasan. Mga refugee at internally [musika] displaced persons dahil sa digmaan o likas na sakuna.
Kaugnay na pagsabi lang dalawa. Pagsusulong sa mga issyue ng aking kapwa na napapabayaan. ng lipunan. Ano ba ang lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa isang pangkat na mga tao na nabubuhay ng magkakasama sa isang partikular na lugar.
Ito ay binubuo ng mga mamamayan na may iba't ibang kultura, paniniwala at tradisyon. Ang pamilya ang pinakamaliit na unit ng lipunan na binubuo ng mga magulang at kanilang mga anak. [musika] Ang pamilya ay unang institusyon na nagbibigay ng pag-asa, pag-ibig at suporta sa bawatidwal.
Ito rin ang nagtuturo sa atin ng mga kaugalian tulad ng pag-unawa, [musika] pagmamahal, pagkalinga at mga halaga tulad ng halaga ng buhay, pagkakaisa, kapayapaan [musika] na kinakailangan sa pakikipag-ugnayan sa mas malawak na lipunan.
Ito rin ay nagsisilbing pundasyon ng moralidad at etika ng isang lipunang matatag [musika] at maayos. Ang lipunan ang nagbibigay sa atin ng mga oportunidad na mapabuti ang ating mga kakayahan at talento.
Sa kabuuan. Mapabuti tayo bilang mga tao at magtagumpay sa ating pamumuhay at makapagsilbi sa komunidad. [musika] Sa pamamagitan ng malasakit at pagkilos, maaari nating baguhin at mapaunlad ang ating mga komunidad.
Ang pagmamalasakit ay higit na kailangan ng mga taong napapabayaan ng pamahalaan. Tayo ang bumubuo ng lipunan kaya dapat tayong nagdadamayan na iparating sa kinauukulan ang ating mga pangangailangan ng serbisyo at pagkalingang kailangan [musika] lalo na ng mga napapabayaan.
Hindi tayo maaaring magsawalang kibo at magbulag-bulagan sa mga paghihirap ng ating kapwa dahil tungkulin natin na itaguyod [musika] at pangalagaan ang kapakanan ng bawat isa para sa pangkalahatang pag-unlad ng ating lipunan.
Ang pagtulong lalo na sa mahihinang sektor tulad ng mga taong kapos sa buhay [musika] may kapansan mga matatanda na walang nag-aaruga. at mga kabataang walang kinalikihang mga magulang. Sila ang mas nangangailangan ng tulong at pagkalinga sapagkat sila ang madaling maabuso [musika] ng ilan.
Hindi maunlad ang lipunan kung mayroong inaabuso at napagkakaitan ng karapatan. Narito ang mga issyung kinakaharap ng mga taong napapabayaan ng lipunan at mga paraan ng pagkalingang kinakailangan.
[musika] Kahirapan, kakulangan sa pagkain, tirahan at iba pangunahing pangangailangan ang kanilang nararanasan. Mga paraan ng pagkalingan na kailangan, pagkain at nutrisyon.
Feeding programs. Maglunsad ng feeding program sa mga paaralan at komunidad. [musika] Upang masiguro na ang mga bata at kanilang pamilya ay may sapat na nutrisyon. Food security programs, maglaan ng mga programa upang suportahan ang lokal na agrikultura at masiguro ang sapat na panustos ng pagkain sa mga komunidad.
Kakulangan sa edukasyon. Maraming bata at kabataan mula sa napapabayaang sektor ang hindi nakatatapos ng pag-aaral na nagdudulot ng kawalan ng oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.
Libreng edukasyon. Magbigay ng libreng edukasyon mula elementarya hanggang koleyo upang masiguro na ang lahat ng bata ay makatatanggap ng dekalidad na edukasyon. Kawalan ng trabaho. Kadalasang nahihirapang makahanap ng trabaho dahil sa kakulangan ng edukasyon, diskriminasyon at limitadong oportunidad.
Pagsasanay at skills development. maglaan ng mga programa para sa bokasyonal na pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan upang matulungan ang mga walang trabaho na magkaroon ng kasanayan na kailangan sa merkado. Programa para sa trabaho. Maglaan ng mga programa na magbibigay ng trabaho at kabuhayan sa
mga walang hanapbuhay kabilang ang mga nasa mababang sektor ng lipunan. Livelihood Support. Magbigay ng microfinance at iba pang suporta [musika] para sa maliliit na negosyo upang matulungan ang mga indibidwal na makapagsimula ng sariling negosyo.
Kawalan ng pribilehiyo sa serbisyong pangkalusugan. Ang marami na parte sa pamayanan ay kakulangan ng mga ospital at klinika sa mga rural na lugar ay malaking hadlang. Libreng serbisyong medikal. Magbigay ng libreng serbisyong medikal at gamot lalo na sa mga mahihirap at malalayong komunidad.