Study Buddy PH · Transcript · · Updated
GMRC 6 Term 2 Week 3: Mga Kilos na Nagpapakita ng Pagkalinga sa mga Taong Napabayaan ng Lipunan. – Transcript
Video by Study Buddy PH · Watch the original on YouTube
Summary
AI-generated from the transcript. Verify details against the source video.
- Ang tunay na pagkalinga ay may kasamang pag-unawa, malasakit, suporta at pagkilos na ipinapakita sa pamamagitan ng ating mga kilos.
- Ang limang kongkretong kilos na nagpapakita ng pagkalinga ay ang pamamahagi ng pagkain, pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay, pakikilahok sa community outreach programs, pag-organisa ng mga grupong susuporta, at pagiging boluntaryo sa pagbibigay ng donasyon.
- Maaaring magsimula ang mga mag-aaral sa mga simpleng gawain at tumulong ayon sa kanilang kakayahan at sa gabay ng guro, magulang, o responsableng nakatatanda.

Use this video with Pro
Reading, copying and transcript downloads are free. Create saved AI results for this video with a signed-in Pro account ($9/month).
Transcript
Search ignores accents. All transcript text stays visible.
Hello grade 6 learners. May tanong ako sa inyo. Kung may nakita kang taong nangangailangan ng tulong, ano ang gagawin mo? Halimbawa, may batang walang dalang pagkain. May matandang nahihirapang magdala ng gamit. May batang gustong matuto ngunit walang makapagturo sa kanya. O kaya naman may pamilyang nangangailangan ng damit o iba pang gamit. Tatanungin mo ba ang iyong
sarili? May magagawa ba ako o sasabihin mo hindi ko naman problema iyan? Clas, tandaan natin ang isang mahalagang ideya. Ang pagkalinga ay hindi lamang nararamdaman. Ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng ating mga kilos iyan ang pag-uusapan natin ngayon.
Pagkatapos ng ating lesson, inaasahan kong kaya na ninyong una, matukoy ang mga kilos na nagpapakita ng pagkalinga. Ikalawa, maipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga kilos na ito. Ikatlo, makapagbigay ng sarili ninyong halimbawa at higit sa lahat, maisabuhay ang kahit isang simpleng paraan ng pagkalinga.
Pero bago tayo pumunta sa mga halimbawa, balikan muna natin ang isang mahalagang tanong. What does it mean to care? Kapag sinabi nating pagkalinga, hindi lamang ito simpleng pagsasabi ng kawawa naman siya. Ang tunay na pagkalinga ay may kasamang pag-unawa, malasakit, suporta at pagkilos.
Halimbawa, kung alam mong may batang walang makain at sinabi mo lamang na kawawa naman siya, iyan ay pagkakaroon ng awa o malasakit. Pero kung tumulong ka sa isang feeding program, nagbahagi ng pagkain sa isang organisadong paraan [sumisingasing] o tumulong sa isang programang nakatutugon sa pangangailangan niya, iyan ay
pagkalingang ipinakita sa pamamagitan ng kilos. Ngayon tingnan natin ang limang kretong kilos na binibigyang diin sa ating aralin. Ang unang kilos ay pamamahagi ng pagkain. Ayon sa lesson exemplar, maaaring kabilang dito ang pagbibigay ng libreng pagkain sa mahihirap na
komunidad, pagsasagawa ng feeding programs sa mga paaralan at community kitchens. Isipin ninyo ang isang grupo ng mga volunteer na naghahanda ng masansiyang pagkain para sa mga batang nangangailangan.
Hindi lamang sila nagbibigay ng pagkain. Ipinapakita rin nila na may mga taong nagmamalasakit sa'yo. Halimbawa, may school organization na nagsasagawa ng feeding program. Bilang grade 6 learner, maaari kang tumulong sa paraang naaangkop sa iyong edad.
Halimbawa, tumulong sa pag-aayos ng mga gamit, paghahanda ng materials o pagsunod sa instructions ng mga nakatatanda. Tanong, kung may feeding program sa inyong paaralan, alin ang nagpapakita ng pagkalinga? A. Manood lamang at
mang-asar. B. Tumulong ayon sa iyong kakayahan at sa gabay ng guro. C. Umalis dahil hindi naman ikaw ang bibigyan ng pagkain. Tama. B. Dahil ang pagkalinga ay nangangailangan ng pakikilahok.
Ngunit alam natin na hindi lamang pagkain ang pangangailangan ng isang tao. May isa pang bagay na maaaring magbukas ng maraming oportunidad. Edukasyon. Kilos number two, pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay. Ang ikalawang kilos ay pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay. Sa lesson exemplar, binanggit ang mga libreng programang
pang-edukasyon at pagsasanay para sa mga batang nasa lansangan at mga walang trabaho bilang paraan ng pagbibigay ng oportunidad para sa mas magandang kinabukasan. Bilang isang grade 6 learner, hindi ibig sabihin na kailangan mong magturo ng isang buong klase. Maaari kang magsimula sa simple.
Halimbawa, mahusay ka sa mathematics. May kaklase kang nahihirapan sa multiplication of fractions. Maaari mo siyang tulungan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng solusyon o pagsagot ng practice exercises. Hindi sa pagkopya ng sagot kundi sa pag-unawa ng lesson.
Maaari ka ring tumulong sa isang reading activity o peer tutoring na pinangasiwaan ng guro. Pero minsan mas malaki ang pangangailangan kaysa sa kayang gawin ng isang tao lamang. Kaya mahalaga ang pakikilahok sa komunidad. Ang ikatlong kilos ay pakikilahok sa community outreach programs. Ayon sa lesson
exemplar, ang outreach programs ay maaaring isagawa upang magbigay ng edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyo sa mga komunidad na nangangailangan. Halimbawa, may community outreach na pupunta sa isang liblib na lugar. May mga volunteer na magdadala ng pagkain.
May magbibigay ng educational materials. May tutulong sa pag-aayos ng mga donasyon. [musika] Kung ikaw ay grade 6 learner, maaari kang makilahok sa paraang ligtas at naaangkop sa iyong edad at laging may gabay ng magulang, guro o responsableng nakatatanda.
Halimbawa, may school outreach program. Sabi ng teacher, "Clas, mangongolekta tayo ng school supplies para sa mga batang nangangailangan. Ano ang maaari mong gawin? Maaari kang magbahagi ng gamit na maayos pa at maaari pang gamitin kung pinahihintulutan ng iyong magulang o guardian.
Pero paano kung may grupo ng mga tao na nangangailangan ng patuloy na suporta? Dito pumapasok ang isa pang mahalagang kilos. Ang ikaapat na kilos ay pag-organisa ng mga grupong susuporta.
Sa lesson exemplar, binanggit ang pagbuo ng support groups para sa iba't ibang sektor bilang pagpapakita ng pagsuporta at pagkalinga sa kanilang mga pangangailangan. Ang isang support group ay maaaring maging lugar kung saan ang mga tao ay nakikinig, nagbabahagi ng impormasyon, nagbibigay ng suporta at nagtutulungan.
Halimbawa, sa inyong paaralan, maaaring magkaroon ng student group na tumutulong sa isang school campaign tungkol sa paggalang, pagkakapantay-pantay at pag-iwas sa diskriminasyon. Ang mahalaga ay hindi lamang tayo nagsasalita tungkol sa malasakit. May ginagawa tayo upang maipakita ito.
Pero tandaan, grade 6. Kapag may seryosong problema tulad ng pang-aabuso, karahasan o panganib, huwag itong harapin ng mag-isa. Sabihin ito sa pinagkakatiwalaang adult, guro, magulang, guardian. o tamang kinauukulan.
May isa pa tayong paraan ng pagkalinga na maaaring gawin ng maraming tao kahit maliit ang kanilang kontribusyon. Ang ikalimang kilos ay pagiging boluntaryo sa pagbibigay ng donasyon.
Ayon sa lesson exemplar, kabilang dito ang paglahok sa charity events, pamamahagi ng donasyon at pakikilahok sa mga proyekto ng mga organisasyong tumutulong sa komunidad. At tandaan, hindi kailangang malaki ang iyong maibigay para makatulong.
Halimbawa, may donation drive sa inyong paaralan para sa mga taong nangangailangan. Kung may extra school supplies kang maayos pa at pinahihintulutan kang ibigay ang mga ito, maaari mong ibahagi. Kung wala kang materyal na maibibigay, maaari ka namang tumulong sa pag-aayos ng mga donasyon kung ito ay bahagi ng isang school activity at may gabay ng teacher.
[musika] Ang mahalaga ay nagbibigay tayo ng bukal sa loob hindi para magyabang o makatanggap ng papuri. May donation drive sa inyong paaralan.
May mga kahon ng school supplies na kailangang ayusin at ipamahagi sa mga batang nangangailangan. Ano ang gagawin mo? A. Hindi papansinin. B. Kukuhanin ang pinakamagandang gamit para sa sarili.
C. Tutulong sa pag-aayos at pamamahagi ayon sa instructions ng guro. D. Aagawin ang trabaho ng iba. Ang tamang sagot ay C. Tutulong tayo sa pag-aayos at pamamahagi ayon sa instructions ng guro. Bakit? Dahil ang tunay na pagkalinga ay hindi lamang
tungkol sa gusto nating gawin. Ito ay tungkol sa tamang paraan ng pagtulong. Balikan natin ang limang kilos. Una, pamamahagi ng pagkain. Tinutugunan nito ang pangangailangan sa pagkain. Ikalawa, pagbibigay ng edukasyon. at pagsasanay.
Nagbibigay ito ng pagkakataong matuto at magkaroon ng kasanayan. Ikatlo, pakikilahok sa community outreach programs. Nagbibigay ito ng pagkakataong sama-samang tumulong sa komunidad.
Ikaapat, pag-o-organiza ng mga grupong susuporta. Nagpapakita ito ng patuloy na pakiki at suporta at ikalima, pagboboluntaryo at pagbibigay ng donasyon. Naglalaan tayo ng oras, kakayahan o mga bagay na maaari nating ibahagi.