tubetranscript.io

MAESTRA REJINA · Transcript · · Updated

Ang Ningning at Ang Liwanag isinulat ni Emilio Jacinto – Transcript

Video by MAESTRA REJINA · Watch the original on YouTube

Summary

AI-generated from the transcript. Verify details against the source video.

  • Ang ningning ay maraya at nakasisira ng paningin, samantalang ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
  • Sa ating pang-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag, na siyang dahilan kung kaya ang tao ay namumuhay sa hinagpis at dalita.
  • Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan.
Video thumbnail: Ang Ningning at Ang Liwanag isinulat ni Emilio Jacinto
Source video on YouTube · Transcript generated automatically and may contain errors.

Use this video with Pro

Reading, copying and transcript downloads are free. Create saved AI results for this video with a signed-in Pro account ($9/month).

Transcript

Search ignores accents. All transcript text stays visible.

Ang ning at ang liwanag. Isinulat ni Emilio Hasinto. Sa bawat panahon, may mga taong nabubulag sa ningning ngunit may ilan pa ring naglalakad sa liwanag. Alin ka sa dalawa?

Ang ning at liwanag ay nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay maraya. Ating

hanapin ang liwanag. Tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang naugalian, nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihil ng kabayong matulin. Tayo'y magpupugay at ang isa sa loob ay mahal na tao ang nakalulan.

Datapo ay marahil naman isang magnanakaw. Marahil sa ilalim ng kanyang ipinagtatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasa loob. Saan kaya ninakaw? Datapy maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya'y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga nayon ay namumuhay sa hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapaluan at ng

kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning lalong-lalo na ang mga hari at mga pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon at walang ibang nasa. kundi ang malagi sa kapangyarihang sukdang ikanais at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.

Tayo'y mapagsampalataya sa ningning. Huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalat kayo ng maning ay kung ang ating dinudulugan at hinahinain ng puspus na galang ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagnining

pagkat natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan.

Ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinihin at maliwanag na nagpapatanaw sa paningin. Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.

Mapalad ang araw ng liwanag. Ay ang anak ng bayan. Ang kapatid ko ay matututo kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan.

Frequently asked questions

Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ito ay dahil sa lubhang pagkapit ng pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag sa ating pang-ugali.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan.